Pagbabago, Pag-unlad at iba pang salitang may Pag.
Naisip na ba natin kung ano talaga ang gusto natin? Minsan para bang ang tama ay palaging nagmumula sa pagsalungat sa kasalukuyang sistema. Sa oras na maipihit na ng direksiyon ang takbo ng mga bagay ay nauna na rito ng mga dalawang segundo ang pagsalungat. Bago pa kumanan ay naisip na nating kumaliwa. Mabuit pa yata ay Kung gusto mong gawin ang isang bagay ay sabihin mo na gagawin mo ang kabaligtaran. Sa ganito bago mo pa simulan ang gagawin mo ay nasunod mo na ang pagsalungat na inaasahan mo. Magiging maayos na ang lahat. Payapa. Sama-sama. Masaya. Wala na akong masabi. wala nang magsasallita. Wala nang boses ng masa. Mamang naka megaphone: "Walang boses ang masa?!...Teka kailangan ko magsalita! Hindi puwedeng mawalan ng boses ang masa!" Dapat may gulo. Dapat may mali para lumabas ang tama. Pag lumabas na ang tama at katotohanan tahimik na ang lahat. Wala ng boses ang masa. Mamang naka megaphone: "Walang boses and masa?!"(sasampalin ang mama). Gulat ka 'no?
Ano nga ba ang konsepto natin ng "tama" at "dapat"? Tila nawalan na tayo ng objective sa pagtugis natin sa pinoy version natin ng "American Dream". Kakatugis natin sa mga ideolohiya natin, nakalimutan na natin kung ano ang tinutugis natin. Parang bata lang na tumatakbo sa pilapil habang hinahabol ang isang paru-paro. Kakahabol niya rito ay nakalimutan na niya kung bakit siya tumatakbo. Takbo na lang ng takbo. Wala nang hinahabol. Ganoon lang. Natuwa na siya sa pagtakbo at paghabol sa wala habang ang hinahabol niya ay nakadapo na pala sa kaniya. Hindi niya naiintindihan ang ginagawa niya, kung mayroon man itong halaga at makakadagdag sa pagkatao niya. Takbo lang. Lilipas ang araw na iyon at marami pang mga araw ang dadaan na muli't muli ay tatakbuhin niya ang pilapil, hahabulin ang mga paru-paro na para bang ginawa lang ang mga paru-paro para habulin at hulihin. Gaya ng marami sa atin na gumawa ng mga bagay na walang kahulugan at mga bagay na wala namang maliwanag na kontribusyon at kapakinabangan sa ating pagkatao, siya ay magkakaedad at magkakaisip rin. Matututunan niyang boring ang kwentong ginawa ko sa buhay niya. Puwede namang lumambaras sa puno, makipaglaro sa kapitbahay, magpiko, shato, tumbang preso at marami pang ibang masasayang laro na hindi 'sing boring at wirdo ng paghahabol sa paru-paro lalo na kung lalake siya. Sa pilapil pa. Matapos pagtawanan ang sarili at maisip niya lahat ng mga walang kuwentang pinag gagawa niya, mapagtatanto niya na napakaikli ng buhay ng tao.
Sa dami ng gusto natin gawin, parang kulang na kulang ang mga taon. May mga bagay din tayong gustong maging, at mga bagay na gustong mangyari sa atin pero kulang tayo sa requirements. Madaming requirements ang buhay. Sa modeling kelangan gwapo ka. Sa skwela kelangan matalino ka, kung minsan kung mayaman ka pwede na rin. Sa pag aasawa kelangan may pakakasalan ka, alangan magpakasal ka sa sarili mo. Kahit gano mo kamahal ang sarili mo, kahit sino'ng pari ay sasampalin ka ng bonga para magising ka sa kawalanghiyaan mo. Pero kung minsan, kung may pera ka pwede na rin. Pumunta ka sa Las Vegas, gumawa ka ng bagong batas. Lahat sa Amerika nagagawan ng paraan. Parang sa Recto lang, ang kaibahan lang sa Recto mas sosyal, kasi pag hindi mo nagustuhan ang trabaho, imbes na magdemandahan kayo, bibigyan ka na lang nila ng libreng gripo.
Sa hirap kasi ng buhay natin, napakarami nating gustong gawin para mabago ang takbo ng mga pangyayari. Nakakasawa nang mag uwi ng pansit, bukod sa, nagmamahal na ang atay kaya kikiam na lang ang laman, madalas pang namamatay ang naguuwi nito lalo na kung ikaw ay mabuting kuya na nagtatrabaho sa pabrika bilang guwardiya. Balik sa pansit. Gusto naman natin maguwi ng Pizza paminsan minsan at maibili si nanay ng Gucci na relo na para bang bumibili lang tayo ng gulaman. Hindi naman masyadong mataas ang pangarap natin na pagbabago. Gusto lang natin palitan ang pangulo para pag napalitan na, papalitan ulit. Lalo na pag nagmahal ang galunggong, siguradong mag iipon ipon na ang mga militar at isasara ang Ayala, ilalabas ang mga state of the art na tora-tora at alternately bobombahin ang malacañang. Galing.
Pagbabago.
Para sa mga taong ipinanganak noong sikat pa si Randy Santiago at nasubaybayan ang Valiente at Mara Clara, alam nyo na "Hindi nga masama ang pag-unlad. At malayu-layo na rin ang ating narating", (humming) (humming), subo ng star kist,
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin (Humming) (humming), subo ng star kist, naghahanap ng free na laruan o kaya'y piso.
Tanong: Ano nga ba ang totoong tittle nitong kantang ito?
a. Wala Ka Bang Napapansin?
b. Napapansin
c. Kapaligiran
(Pupusta ako ng limang piso na mali ang sagot mo.)
(Another P5, titingnan mo sa Internet kung ano nga ba ang tittle nito)
Paki send na lang ang bayad sa BPI acct number: 10122698-7
Ano nga ba ang masama sa pagunlad? Sa sarili man o sa pangnakararami, ang pagunlad ay hindi tatangihan. Tatangi ka ba sa 5M piso kung ang gagawin mo lang ay kumanta-kanta sa TV at sabihing napakabuti ng taong ineendorso mo? Syempre hindi, pag unlad yan. Ang tanong, Pag-unlad nino?
Itutuloy
Magtira Ka Para Sa Sarili mo
Hindi ko talaga maintidihan kung paano ginagawa ito. Sinusukat ba ang pagmamahal sa isang tao at sasabihin mo sa sarili mo na "oops, 500 lang ang laman ng emotional wallet ko, 350 lang ang budget ko sa pagmamahal ko para sa iyo. Para may matira naman para sa sarili ko... Labo ah. Malamang, para sa mga nakakaalam gamitin ang teknik na ito ay mahahalata na wala akong alam sa sinasabi ko, o di kaya'y halata niyo nang maraming beses na akong nabasag ng pag-ibig at sa huli ay masabihan ng ganito.
Waldas kasi ako sa pag-ibig. Tinotodo ko ang lahat na para lang akong nagti treat ng buong section gamit ang allowance na binigay ng tatay ko. Kapag nangutang na ako ng pamasahe, sasabihin sakin ng mga engrato kong klasmeyt "magtira ka kasi para sa sarili mo". Hayup, kung puwede lang ipasuka ang pinainom ko diba... Kung puwede lang ipasuka sa kaniya ang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko para maialay ko naman ang kaunti para sa sarili ko.
itutuloy...
ASO
ภ๏ ςђ๏เςє
Napag isip ako nito dahil ang galing talaga ng tao. Kapag napapanat* na ang buhay ay maaaring magsimulang muli. Kailan ba nagsisimula ang isang bagay o ang panibagong buhay? Kailan ito natatapos? (sign opda cross) ...
Starting again ...?
Gaya ng sa marami sa atin, tayo'y nabibigyan ng maraming pagkakataon para baguhin ang buhay, nasa sa atin na lang kung anong klase ang panibagong buhay na uumpisahan natin. Para sa akin, ang pag uumpisang muli ay nangangahulugan ng pagbabago sa ginagalawan natin. Pwedeng paglipat ng bahay, pag iwas sa mga tao, lugar at bagay na naging sanhi ng nakalipas na unos sa buhay natin, o maari ring mga dating kinagawian na nagdulot sa atin ng sakit sa pisikal, sakit sa ulo, sa damdamin, sakit sa balat, sama ng loob at sama ng tiyan.
Start right
Maari kasing mag umpisang muli ng maraming beses pero kadalasan ay sa mali. Hindi ako anak ng propeta kaya maging ako man ay biktima ng pagkahilig sa pagumpisa ng mali. Sabi nila dapat raw ay mag umpisa sa sarili. Sabi yan ng titser ko sa elementarya, prof ko sa kolehiyo at ni boy prito.
Ang pinakamadali at hindi masyadong matalinghagang paliwanag ko diyan ay ang pag iwas na lang sa mga kagaguhang pinag gagawa natin dati, bawasan ang eksibisyon sa buhay, pag-iisplit, cartwheel at panonood ng telenobela. Bukod sa mga nagawang 'di maipaliwanag na katangahan, ay ang pag iwas din sa mga hindi pa nagagawa. Hindi naman requirement sa buhay ang ubusin ang nasa listahan ng demonyo na mga katangahan. Puwedeng maging simple ang buhay, masaya at walang kumplikasyon. Nagtataka ako sa mga tao na parang gustong gusto nila ang nasasaktan. Ang hilig nilang pumili ng mga kasama na alam nilang lolokohin lang sila at sasaktan. May mga tao rin na aliw na aliw magkaroon ng desenyo sa mukha na parang pasa ata iyon. Baliw ka ba? Ang lupit talaga hindi lang ng mga nananakit ng babae kundi ng tripping ng mga taong nananatili pa sa ganoong kalagayan.
No Choice... hmm
Ang pakahulugan ng Newton's Insight Encyclopedia Vol. XI doc98 footnote - "Isang uri ng pagtakas sa realidad... Kawalan ng paniwala at dangal sa sarili. Ang mga taong nagsasabi nito ay sadyang tumatakas sa hamon ng maayos na buhay... Sila ay nangangailangan ng atensiyon sa kalusugang mental at pagbasa sa mga blog ni emsok..."-P.C. Almaden.
Isa talaga ito sa mga pinaka nakakaasar na maririnig mo sa isang tao. Kung mayroong empowerment, kung ano man ang pakahulugan ng bagay na iyon, ay ito ("No Choice") ang pinaka deretsong kabaligtaran. Maririnig mo ito sa mga taong mahina ang loob, mabababa ang tingin sa sarili at takot harapin ang pagbabago. Gawin mo ang alam mong nararapat. Hindi mo kailangan gawin ang mga ayaw mo o hindi nakapagpapasaya sa iyo. Hindi dahil sa walang pumipilit sa iyo na gawin ito, kundi dahil walang makakapilit sa iyo na gawin ang mga bagay na hindi mo gustong gawin. Punitin natin ang ating mga sedula!
Pagkagising mo pa lang sa umaga ay magdedesisyon ka na kung babangon ka na o hihintayin mo pang sumbatan ka ng nanay mo para bumangon ka at mag almusal ng sermon kung bakit late ka na naman sa iskuwela o sa trabaho. Sabihin na nating wala ka sa sarili mo at bumangon ka kaagad ng hindi na kinailangang mapaos ang alarm clock mo, magdedesisyon kang muli kung maliligo ka ba o hindi. Mag dedesisyon ka kung magsisipilyo o hindi. Magsa syampu o hindi. Mainit na tubig o hindi. Mag aalmusal o hindi. Itlog ba o tuyo. Kanin o tinapay. Kakain pa o awat na. Tubig lang o kape. Babalik ba sa kama o papasok na. Mag di dyip o maglalakad. Lahat ng iyan ay ikaw ang nagdedesisyon.
PILOSOPO!
Kung biniyayaan ka ng matinding pagkapilosopo ay iisipin mong "Paano kung mahirap ako at naglalakad lang ako imbes na sumakay ng dyip o magtaxi, tuyo lang ang ulam ko dahil iyon lang ang mayroon. Hindi ako babangon dahil wala akong trabaho. Hindi ako makakapagsepilyo dahil wala kaming toothbrush dahil mahirap lang kami. Nakakaasar ka. Hihintayin mo pa bang sagutin ko iyan?
Choice mo parin ang lahat ng iyan. Umpisahan mo ulit ang blog ko, pumikit ng tatlong beses, dalwang ubo at isang split hanggang maintindihan mo ang punto ko. Lahat ng iyan ay pinili mo at hinayaan mong mangyari sa iyo. Kung nasaan ka man ngayon, kung ano man ang ginagawa mo, kung sino man ang boypren mo, kung ano man ang ulam mo ay CHOICE MO. Lahat tayo ay hinainan ng buhay na tayo ang magdedesisyon kung paano natin patatakbuhin. Lahat tayo ay may kakayanan magdesisyon ng mga bagay na ikasisiya natin at ikapapahamak natin.
Ang magsabi na wala silang choice pogi.
Sinulat ko ang blog na ito dahil naasar ako marinig ang mga taong walang magawa para maayos ang problema nila. I've no choice.
*Panat- isang uri ng salita na ginagamit para mailarawan ang kahit anong bagay na negatibo.
ex. Panat ang buhok mo... Panat na talaga ang buhay ko... Panatero ka talaga (kapag pinahiya ka)
Wala pang title
3620+
62+62
32+
62562
6352;lmo;jlk;/;lknkbnhnghtyfuft8yh78yh7uhu521
0
3232615161156jbhu-0
25
Nag aamok ang bestfriend ko. Balik sa kuwento.
Kapag narating mo ang susunod na kanto ng hindi ka pa na ta-transform sa palaka ng mga nadaanang salamangkerong hayskul, ay mapapansin mong iba naman ang tripping dito. Walang paskil ng "Bawal Maglaro ang Mabaho". Aba, kaaya-ayang pasukin. Mukahang malamig, tahimik at may lighting epeks pa. Hindi naman ako nagmamadali kaya inusyoso ko ang laman nito. Pagpasok ko ay tahimik ang lahat at tila mga operator ng PLDT dahil sa mga nakasukbit na mga headset at may mga kausap sila sa webcam. Dito ka makakakita ng mga kakaibang uri ng mga nilalang.
Nakakatuwang makita na kapaki-pakinabang ang teknolohiya para sa mga kabataan sa ngayon. Tulad ng nakita kong neneng na malamang ay nasa mga edad 12 na mas mabilis pang magtype kaysa sa akin. At! hindi tumitingin sa keyboard. Galing ah... Magpapaturo sana ako ng typing expertise niya pero hindi ko na inabala dahil mukhang abala siya sa pagre-research sa internet. Makalipas ang ilang saglit ng pagkakangiti ko sa neneng ay agad itong nasira at ako'y naalibadbaran ako makalipas ang mga limang segundo nang makita ko ang katabi ng pobreng nene na hindi ko mailarawang uri ng halimaw na tila umahon pa sa kaibuturan ng lupa. Parang puwede mo nang taniman ng kamote ang pisngi nito sa kapal ng foundation, nagmumurang noseline, at walang sing tingkad na blush on na parang sinapak ni Chuk Lidel ng UFC. Wakanangjolens talaga. Kulang na lang ay madurog ang webcam sa tindi ng pagkakaduldol niya ng kaniyang dibdib rito, malamang ay para takutin ang kausap na 'kano. Mga 2 segundos pa ay napagtanto kong inaakit niya pala ang kausap sa pamamagitan ng kaniyang dibdib. Ah... sabi ko sa sarili ko, kaya pala hanep sa pula ang pisngi nito ay dahil malamang nasampal ito ng tatay niya dahil sa pagsira nito sa kutson ng silya nila para ilagay sa dibdib. Mukhang tuwang-tuwa naman ang kausap nitong porener, na malamang ay tumitira ng mamahaling katol sa Amerika. Kaya ako ay Dragon katol parin, at least malinaw pa rin ang mata ko. Hindi kaagad ako naka recover sa matinding pagkagimbal sa mga nasaksihan kong pangyayari. Sa makatuwid ay dali-dali akong tumakbo papalabas para humanap ng pinakamalapit na simbahan. Paglabas ko ay medyo nakalimutan ko na kaya demeretso na lang ako sa paglalakad pauwi ng bahay.
Habang papalayo ako sa mga internet shop ay nasabi ko sa sarili ko na iba na talaga ang mga kabataan ngayon. At napatunayan ko rin na tumatanda na ako dahil nasabi ko na iyan. Bago ko pa tuluyang naipagkanulo ang sarili ko sa pag amin, ay ibinalik ko ang pag i-isip sa mga nakita. Iba na talaga. Dati kasi makikita mong busog ang kalsada ng mga pawisang bata na nagtatakbuhan at nagkakasiyahan sa mga larong mataya-taya, tumbang preso, agawan base at Chinese garter na aaminin kong sinubukan ko rin. Karaniwang away ng mga bata noon ay ang pandurugas ng batang mataba, uhugin at pikon sa luksong baka, itatago ko siya sa pangalang Eman. Paano naman kasi, tuwing titira na ang pambato namin na si Jerson, payat at matalino, maraming tex sa t-shirt, itatataas ng bigla ni Eman ang niya para sumayad si Jerson at mataya. Minsan minalas si Jerson at sumubsob ito sa grabahan at nalagasan ng isa sa nalalabing apat na ipin, bulok pa ang isa. Ayun buntalan na. Agad kaming inawat ni aling Tess sa pamamagitan ng paghabol ng tsinelas sa mga nagsasapukang bata. Sigeng habol ni aling Tess, ang may-ari ng tindahan ng pinagdarausan namin ng laro at away ang harapan.
Ngayon kapansin-pansin ang linis ng kalsada. Puwede na yatang lapagan ito ng eroplano dahil wala na'ng mga bata, wala nang kalat. Dati kasi kung nagmamaneho ka ay malilito ka sa mga kalsadang ito kung dadaan ka dito sa oras na may pasok ang mga bata. Di mo mawawari kung historical astec site ba ito dahil sa ibat-ibang nakaguhit rito. Mga guhit lang pala ng piko, step-no, at mga tantos ng iskor ng mga naglalabanang grupo sa patintero, putbol at shato. Ngayon, wala nang sigawan. Wala nang mga sugat na kailangan gamutin ng lola kapag uwian na mula sa laro sa hudyat ng alas seis. Magagamot na ng mga "Health Pack" ang mga tama nila ng bala sa katawan sa nilalaro nilang mga bidyo game. Kung ngayon ay "Bawal Maglaro Ang Hindi Naligo", sa panahon noon ay bawal maglaro ang bagong ligo, kung ayaw mong mahataw ng buntot page na panakot ng lola, pero kahit kailan ay hindi ko pa nakita. Iba na talaga.
Hindi ko na mawari sa sarili ko kung talaga ngang mapalad ang mga kabataan ngayon o sila'y mga biktima ng komersiyalismo at teknolohiya. Kung noon ay pinoproblema ni Lolita Carbon at Pendong Aban ng bandang ASIN ang hanging lalanghapin ng mga bata, ngayon ay hindi na problema iyan dahil naglalaro na sila sa mga de air-con na mga silid, nakikipagbarilan at nakikipag madyikan. Hindi na nila kailangan ng sariwang hangin para habulin ang hininga mula sa pagkahingal dahil sa pakikipagtakbuhan habang naglalaro ng langit-lupa. Kaya naman puwedeng puwede ng dumihan ang hangin, walang magrereklamo. Hindi na rin nila kailangan ng mga punong aakyatan 'pag naglalaro ng taguan, o di kaya'y para silayan ang kursunada nilang kapitbahay. Dahil ngayon ay masisilayan na nila ito sa Friendster ay Myspace. Ano pa ang kasasabikan sa pag-akyat ng puno kung sa mga nilalaro nilang bidyo game ay nakakapunta sa ibat-ibang mga planeta at maging mga daigdig ng pantasya na nararating lang natin sa pakikinig sa kuwento ng lolo natin saliw sa sayaw ng kandila.
Aanuhin pa ang puno...?
Kaya naman puwede nang baragin ang mga bundok, putulin ang mga puno. Walang magrereklamo.
Dati kapag brownout ay napakasaya ng mga bata. Dahil marahil ito ang panahon na nagkakaipon-ipon ang buong pamilya, nakapalibot sa kandila, walang ibang magawa kundi magkuwentuhan. Natatandaan ko pa noong nauso ang brownout noong panahon ni For.Pres. Aquino, Madalas magbrownout dahil sa power crisis noong mga panahon na iyon. Libang na libang ang mga bata dahil sa maraming bentaha nito sa amin. Nadaragdagan ang oras ng paglalaro kahit lampas na alas-seis. Mainit, nasa labas lahat ng tao, kaya kung lalabas ang bantay, lalabas at maglalaro ang mga bata. Mag a-away muli kami ng batang mataba, uhugin at pikon sa luksong baka na si Eman, pagtatalunan namin ang tanda kong iskor namin sa naputol na laro kanina. Manduduga pa sana.
Tuloy ang laro.
Sige ang kuwentuhan ng mga mga matatanda sa gilid-gilid na manaka-naka'y halos mapatid and litid sa pagsaway sa mga apo'ng nandaraya sa tex. Makalipas ang ilang oras ay kandila parin ang superstar sa aming bahay. Halos 'di ko na maatim ang atungaw ng mga nagkakantahang tropa ng kuya ko sa akumpanya ng gitara ng erpat ng tropa ni Emerson na hiniram ni Makmak, pinsan ni Badong, 'yung tambay sa bahay nila Bon-bon.
Gitara ng bayan.
Habang kinakanta nila ng pilit ang best hits ni Rick Astly at mga makabasag utak sa taas na mga kanta ng Air Supply, nilabas ng tatay ko ang papag at nahiga sinesenyasan akong tumabi sa kaniya. Habang tinuturo niya ang mga constelations, na wala naman akong nakabisado ni isa, ay nanggigitata ako sa pawis at damang dama ko ang organic na "kuwintas" sa leeg ko na hindi inaabot ng sando ko na pinanloob ko pa galing sa iskuwela. Hindi pa ako nakakaligo dahil naunahan ako sa banyo ng katulong namin. Nagba-body scrub pa.
Tuloy ang kuwento ng tatay ko habang lumilipad ang utak ko. Iniisip ko kung nakatingin din kaya sa mga butuwin ang crush kong si Mylene. Iyon yung crush ko mula pa noong pasukan ng Grade1 hanngang Grade1 second week. Tapos si Maya naman, 'yung anak ng librarian.
--------
Sigawan ang lahat. May ilaw na. Saka tatahimik ang lahat, magliliwanag ang kalsada, magtutunugan ang mga TV at muling sasabog ang bapols ni mang Lino sa tugtog ng "Like A Virgin". Malungkot na mag uuwian na ang mga bata. Parang medyo pumayat si Eman sa tindi ng takbuhan.
Kung noon ay hindi malirip ang kaligayahan ng mga bata noon kapag brownout, malamang ay mag aamok ang mga bata ngayon kapag nagba-brawnawt at naputol ang pakikipaghampasan nila ng mahiwagang alikabok sa online game na nilalaro nila. Wala nang saysay ang mga kandila ngayon, na para bang inimbento lang para maghudyat ng kuwentuhan. Mayroon nang mga genereators at UPS (Uninteruptible Power Supply).
Kailan kaya huling tumingin sa mga bituwin ang mga kabataan ngayon para isipin ang crush nila? Kailang kaya huling tumakbo ang mga bata ngayon na parang mauubusan ng lupa? Kailang kaya sila huling umakyat ng puno? Kailan kaya sila huling nakinig ng kuwento nang nakapaikot sa kandila? Natatakot pa kaya ang mga bata ngayon sa baril, pulis at bala gaya ng panginginig natin noon kapag sinasabi ng lolo natin "ipahuhuli kita sa mamang pulis"... Natatakot pa kaya sila sa mga awtoridad na pangkaraniwan na nilang pinagbababaril sa mga bidyo game na nilalaro nila?
Sumusulat pa kaya sila ng love letter?
Mapalad nga ba sila?
=========
Si Eman pala payat na ngayon. Pero pikon parin, lalo na 'pag nabasa niya ito.
Anestisya y Masokista
Red Horse
Pampamanhid ng mukha. Pero yung sakit naroon parin. Mali kasi eh, dapat Red Man. Yun ang para sa tao, malamang mamanhid na ang pakiramdam mo sa pag inom ng kulay ihi. Sa puntong ito kung hindi man dahil sa sobrang kalasingan ay natutuwa ka sa pinagsasabi ko, malamang ay wala ka lang magawa. Pero sa totoo lang. Hindi kayang pawiin ng alak ang problema. Ang napapawi lang nito ay ang kakayanan mong isipin ang problema. Mantakin mo nga naman iniiwasan natin magisip para maging masaya. Kaya siguro maligaya ang mga bata dahil hindi sila nag iisip.
Naalala ko tuloy ang kasama namin sa bahay noon, yung yaya, madalas akong sabihan na "Mag isip ka nga!" at "gamitin mo nga iyang utak mo!" kapag naaabala ko siya sa pagtetelebabad niya habang wala ang mga magulang ko, katatanong ko kung ano kakainin ko dahil nilalangaw na ang hinain niyang pagkain talong oras bago ako dumating galing sa iskuwela. Sarap! Sinisisi ko ang yaya ko ngayon kung bakit naging PG ako dahil nasanay akong unahan ang bacteria na nagpapa panis sa pagkain. Sabi niya, "tirahin mo na iyan bago tirahin ng iba". Matindi rin 'diba. 'katapos pag dating ng tatay ko ay kagagalitan ako dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit kung makatingin daw ako ay parang si yaya ay sugo ng demonyo. Kay sapilitan akong ngingiti na parang aso, dahil iniiwasan kong mag full blast ang litanya ng tatay ko na ang kasunod ay ang "corner" mode. Yung tipong tatayo ka sa sulok para daw makapag "isip-isip"... Na ang tanging iisipin ko lang naman ay "Yah, yaya, you're such a loser".
Makapag isip-isip.
Nangunguna sa listahan ko ng things to do, noong maliit pa ako ay ang mag-isip. Sabi kasi ng tatay ko dapat pina-plano ko ang araw ko.
Nov. 13, 1987
T2D for today
1 Mag-isip (ituloy ang tulog na nakadilat ang mata)
2 Mag pray (ituloy ang tulog na nakaupo)
3 Maligo (ituloy ang tulog sa CR)
4 Siguraduhing bitbit ang assignment (4.1 siguraduhing tulog pa tatay ko dahil wala akong bitbit kundi ang bayag ko. 4.2 Magbitbit ng panapal sa kuyukot. Dapat well padded and sturdy)
5 Anything goes - 'tong part na to ay either mamamayabas kami ng tropa kong grade 2 palang eh founder na ng frat na ang mga miyembro ay puro mga sigang 8-anyos pababa. O 'di kaya ay magnanakaw ng balbula. (ito yung takip sa gulong ng mga magagandang kotse)
Masinsinan ang pagbabantay sa akin ng yaya ko na tinutupad ko ang lahat ng T2D ko na ang awtor ay ang tatay ko rin naman na naniniwalang puro katarantaduhan lang ang alam gawin at isipin ng bata. Mali siya. Dahil hangang ngayon ay ganoon parin ako.
--
Stop Falling...ling...ling...
--
Sabi nga ng unang awtor na sapilitan akong pinagbabasa ng mga opinyon niya, dapat daw maunang mag-isip bago pa ang lahat, bago pa ang anuman. Maging sa mga pang araw-araw na gawain, sa trabaho, sa pakikipagusap, sa pagtatanong, sa pag ubo. Sa palagay ko naman ay may punto siya dahil daw sa hindi pag-iisip sa isang bagay ay marami ang naidulot nitong pagkakamali. At malamang ay nakita na niya ang mga pinaka tan-gee-ey na pinag gagawa ng maraming mga tao sa paligid niya o maaring maging sa sarli niya mismo. Kung tutuusin ay iyon naman ang basehan ng mga payo at disiplina ng mga matatanda at maging ng mga magulang natin. Kung minamalas malas ka ay nasabihan ka nang katangahan ang pagsasama ng mga magulang mo at lala na ang ipanganak ka pa. Kung isa ka sa mga iyon ay malamang sabog ka sa droga ngayon habang binabasa mo ito.
Aminin na nating maraming katangahan ang nagaganap sa mundo. Sa pulitika, sa pagsusukli sa dyip, sa pagsusuot ng winter jacket kapag umambon ng kaunti, sa paglalagay ng 'sandamukal na MMDA sa kalsada, at binigyan pa ng mic. Sa pamamayabas imbes na mag-aral, sa paga-artista, sa pulitika. Katangahan sa iskuwela, sa gobyerno, sa tahanan, sa pakikipagkaibigan. Sa pagsasamasama ng mga de color, dahil 'yung ibang de color ay humahawa, sa pag-inom ng kape na may kutsarita, sabay deretso sa mata.. Sa panonood ng bomba na bukas ang bintana, sa paglalararo ng sipa matapos magdroga, sa pagdududa sa asawa dahil sa kapapanood ng telenobela kung saan mas pinoproblema pa ang buhay ng iba. La isla bonita de mantikilya espada del averico de monio el toyo la pasa y panadero con pandecoco de bomba.
Kanina ko pa pinipigil sabihin ang isa sa mga pinaka kumon at popular na katangahan, para makita natin na marami pang mas matinding katangahan sa mundo. Pero dahil madrama din ako, sasabihin ko na.
Katangahan sa Pag-igib.
Pagi-igib ng tubig. Mantakin mo sino bang kasing bobo ko na pinag-igib ng tubig at ang binitbit ko ay bote ng Coke litro. Pero dalawa naman. Syempre namura ako sa wikang Latin ng lolo ko.
Tapos na.
Sige eto na. Katangahan sa pag-heeebig. Wika nga ng matatanda, at mga tinedyer, at pati na rin ng mga bata bata ng kaunti, sabay-sabay tayo ha, 1,2,3! "Lahat tayo ay tanga sa pag-ibig". Very good retarded children.
Pero totoo iyan. Maaring wala ka sa listahan ng mga tanga na nabanggit ko kanina. Maaaring hindi ka tangang pulitiko, hindi ka durugista, hindi ka nagkakape ng may kutsara, o hindi ka nag wi-winter dyaket 'pag umulan ng kaunti. Ngunit, lahat tayo ay minsan nang naging biktima ng katangahang ito - pag-ibig. Ito yata ay isa sa mga tinatawag nilang "common mistake" at "favorite mistake" ng maraming tao. Parang brotherhood na ito sa dami ng miyembro dito. Dapat nagtayo na ng frat nito eh. Puwede sigurong SAWI GA-MA ang TA-MA o di kaya'y pang gangster na usong-uso ngayon - pinoy wasak o kaya'y parang pang "east coast" ng Brooklyn gangstah epek ng mga batang hamog sa north cemetery - Broken Hearted Brotherhood. 'Tas magbabandal sa pader ng mga letrang BHB#24. Ano kaya iyong #24? Siguro anib nila. Walang dala si loko, dapat dun ay i dismember agad o kaya'y i hazing ulit.
.... itutuloy
Sikreto Ng Mga Guwapo
---
Isipin mo, kung si Brad Pitt kaya ang nanligaw sa iniirog mo. Sa palagay mo ba ay magagawa niyang sabihan iyon ng " You deserve someone better". I doubt! Malamang mabilis pa sa alas kuwatro ay nakapagbalot na iyon at saka magtatanong kung kailan at saan ang kasal. Habang ang tatay niya ay abalang abala sa pagtwag sa mga kamag-anak at sa kaibigang si boy mata para ipagmalaki ang 'di maipaliwanag na suwerteng dumapo sa kanila.
Ang sikreto mga boys- Success = Guwapo at mayaman. Sa panahon kasi natin ngayon kahit na kasing lapad ng paliparan ang noo mo ay nagiging balbon ka pag tinapalan mo ito ng $100. (in selected areas only) Pero yun na lang ba talaga ang mahalaga sa ngayon? Kung susumahin, masakit man ay totoo. Kaya naman si Juan de la Cruz ay abalang abala sa pagpapa guwapo at pag papayaman. Hindi maikakaila sa panahon natin ngayon na pati ang mga lalaki ay natututo na mag make-up. Kung iyon ngang shampoo ay maroon nang for men. Kaya hindi ako magtataka kung darating ang araw na mayroon na rin na make-up for men.
Matindi na 'to.
Balang araw ay magiging pangkaraniwan na lang marinig sa CR ng lalaki ang " Pare, pahiram nga ng foundation mo" o di kaya'y " Anak, may lipgloss ka pa ba diyan?". Wooh! Ang sakit sa bangs.
Unti-unti ay kinakain na yata talaga tayo ng advertisements. Kung saan ang lahat na lang halos ng mga produkto nila ay pinalalabas nilang mahalaga sa buhay natin. Tapos na sila sa mga babae kung kaya't mga lalake naman ang napagtripan nilang bentahan. Totoo nga naman na habang napakaraming arte ng mga babae ay napansin nilang may "unexplored" market pa sila- Ang mga kelot. Na puwede na ring magkulot. Na balang araw ay mangungulot na rin. Grabe na talaga ang epekto ng trimedia sa buhay ng mga Pilipino.
Sabi nga ng isang magasin na nabasa ko. TV- the box that changed the world. Lalo nang totoo ito sa mga uto uto.
Sya nga pala sa mga gusto magpa foot massage, may 30% discount daw sa facefirst.