Sikreto Ng Mga Guwapo

Nakakaasar masabihan ng "Mayroong pa na mas karapatdapat na tumanggap ng pagmamahal mo"... - Bakit diyos ba siya? bakit mas marunong pa siya sa nararamdaman mo? Hinid na lang nila sabihin kung ayaw nilang mahalin sila. Siguro ay ito ang parte na dapat maisip na ng mga lalaki na sadyang ayaw lang sa kanila.
---
Isipin mo, kung si Brad Pitt kaya ang nanligaw sa iniirog mo. Sa palagay mo ba ay magagawa niyang sabihan iyon ng " You deserve someone better". I doubt! Malamang mabilis pa sa alas kuwatro ay nakapagbalot na iyon at saka magtatanong kung kailan at saan ang kasal. Habang ang tatay niya ay abalang abala sa pagtwag sa mga kamag-anak at sa kaibigang si boy mata para ipagmalaki ang 'di maipaliwanag na suwerteng dumapo sa kanila.

Ang sikreto mga boys- Success = Guwapo at mayaman. Sa panahon kasi natin ngayon kahit na kasing lapad ng paliparan ang noo mo ay nagiging balbon ka pag tinapalan mo ito ng $100. (in selected areas only) Pero yun na lang ba talaga ang mahalaga sa ngayon? Kung susumahin, masakit man ay totoo. Kaya naman si Juan de la Cruz ay abalang abala sa pagpapa guwapo at pag papayaman. Hindi maikakaila sa panahon natin ngayon na pati ang mga lalaki ay natututo na mag make-up. Kung iyon ngang shampoo ay maroon nang for men. Kaya hindi ako magtataka kung darating ang araw na mayroon na rin na make-up for men.

Matindi na 'to.

Balang araw ay magiging pangkaraniwan na lang marinig sa CR ng lalaki ang " Pare, pahiram nga ng foundation mo" o di kaya'y " Anak, may lipgloss ka pa ba diyan?". Wooh! Ang sakit sa bangs.

Unti-unti ay kinakain na yata talaga tayo ng advertisements. Kung saan ang lahat na lang halos ng mga produkto nila ay pinalalabas nilang mahalaga sa buhay natin. Tapos na sila sa mga babae kung kaya't mga lalake naman ang napagtripan nilang bentahan. Totoo nga naman na habang napakaraming arte ng mga babae ay napansin nilang may "unexplored" market pa sila- Ang mga kelot. Na puwede na ring magkulot. Na balang araw ay mangungulot na rin. Grabe na talaga ang epekto ng trimedia sa buhay ng mga Pilipino.

Sabi nga ng isang magasin na nabasa ko. TV- the box that changed the world. Lalo nang totoo ito sa mga uto uto.

Sya nga pala sa mga gusto magpa foot massage, may 30% discount daw sa facefirst.