Parang ulam lang 'to. Yung tipong pag galing ka sa iskuwela ay dadatnan mo ang pinakuluang isda na may puting sabaw na sinaliwan ng mga damo-damo. Eew.
Hindi ko talaga maintidihan kung paano ginagawa ito. Sinusukat ba ang pagmamahal sa isang tao at sasabihin mo sa sarili mo na "oops, 500 lang ang laman ng emotional wallet ko, 350 lang ang budget ko sa pagmamahal ko para sa iyo. Para may matira naman para sa sarili ko... Labo ah. Malamang, para sa mga nakakaalam gamitin ang teknik na ito ay mahahalata na wala akong alam sa sinasabi ko, o di kaya'y halata niyo nang maraming beses na akong nabasag ng pag-ibig at sa huli ay masabihan ng ganito.
Waldas kasi ako sa pag-ibig. Tinotodo ko ang lahat na para lang akong nagti treat ng buong section gamit ang allowance na binigay ng tatay ko. Kapag nangutang na ako ng pamasahe, sasabihin sakin ng mga engrato kong klasmeyt "magtira ka kasi para sa sarili mo". Hayup, kung puwede lang ipasuka ang pinainom ko diba... Kung puwede lang ipasuka sa kaniya ang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko para maialay ko naman ang kaunti para sa sarili ko.
itutuloy...